Archive for the ‘SOCIAL ISSUES’ Category

Professional Fee ni Congressman

Wednesday, December 16th, 2009


Professional Fee ni Congressman

 

The who itong congressman na may professional fee pala kung umattend  o maimbitahan sa isang forum. Paano ko ito nalaman? Sa aming office may umiikot na memo, darating si Congressman at siya ang guest speaker about a particular topic. Ang aming department ay naatasan magbigay ng plaque . Nakasaad din sa particular na memo na ang bayad kay congressman ay magmumula  sa association. Tumatagingting na 20,000 pesos ang ibibigay kay congressman para sa kanyang 8-12 lecture….

Teka, diba may pork barrel si congressman, meron din siyang sweldo at meron din siyang funds para sa daily operation?  Kailangan ba talagang my professional fee si congressman?  Kung sakali naman na ang company ang nag insist na bigyan siya cash gift, siguro naman delikadesa naman na hindi na niya ito tanggapin.

Hindi pa dyan natatapos ang istorya… Nalaman ko si congressman pala ay partylist representative.  At bilang partylist representative dapat naman di na niya kami hiningan ng  professional fee dahil kami ang kanyang nirerepresent sa congress…

Clue: ang first name ni congressman ay rhyme sa isang uri ng weather….

 

LRT –EDSA CR not for public use!

Wednesday, December 16th, 2009


LRT –EDSA CR not for public use!!!

I have noticed that the restroom in EDSA-LRT is now for personnel use only. They even have a post there telling the public to use the CR’s of Metropoint.  First of all, LRT is a government facility and its first priority should be the public! Taxes and fares are being stripped from the public and yet they can’t deliver basic services like clean restroom.

It is very idiotic that they recommend people  to go to a nearby facility which opens at 10 am. What if it is only 7 am and you need to use the restroom? You need to wait until the mall opens?

Sana nagkamali lang ako ng basa at ang ibig pala nilang sabihin meron pang isang restroom for the public na malapit sa Metropoint but within LRT pa rin.

Bakit ng ba traffic sa EDSA?

Wednesday, July 22nd, 2009


Bakit ng ba traffic sa EDSA?

 

Sabi ng LTFRB masyado nang maraming bus at dyip ang nagkalat sa EDSA at kalimitan halos kalahati lang ang laman nito.  Dahil sa sobrang dami nila nag aagawan sila sa pasahero kaya kung saan saan na lang sila humihinto para makapick up ng pasahero.  So, ang solusyon ay bawasan ang mga sasakyang bumibiyahe sa EDSA. Konti ang sasakyan konti din ang traffic…

 

Pero bakit kapag rush-hour punuan ang mga bus at kulang na lang pati bubong ay kanilang siksikin ng pasahero. Kung sobra ang sasakyan bakit siksikan kung rush hour? Hindi kaya pag binawasan nila ang sasakyan sa EDSA eh abutin naman ng siyam-siyam ang mga pasahero dahil wala silang masakyan?

 

Bakit nga ba traffic sa EDSA? Hindi kaya dahil sa walang disiplina ang mga pasahero? Kung saan nila gustong bumaba duon sila papara. At kung hindi naman ititigil ni mamang driver ang bus kung ano-anong mura at sermon ang inaabot ni kawawang driver sa pasaway na pasahero.

 

Bakit nga ba traffic sa EDSA? Hindi kaya dahil sa dami ng u-turn slot, pink fence, MMDA enforcer na walang coordination  isa’t isa? Mga u-turn slot na kay liliit kaya nagkakaroon ng bottle-necking sa area. Pink fence na nakalilito at sumasakop din sa napakaliit na ngang espasyo ng EDSA. O mga MMDA, na hindi mo maintindihan ang mga senyas kung pinapa-GO ka ba o stop?