Ang aktibista at imperyalista

Ang aktibista at imperyalista

Kung nanunuod kayo ng tv mapapansin nyo ang kaliwa’t kanan sigaw ng mga aktibista upang magresign si Pinoy. Para sa kanila tuta si Pres. Pinoy ng mga America at kaya namatay ang SAF 44 ay dahil ipinain sila sa mga terrorista . Para sa kanila ang USA at si Pinoy ang dapat managot at dapat hindi nanghihimasok or tumutulong sa mga Amerikano sa problema ng Pilipinas.


Ang pinagtataka ko sa mga grupong ito bakit nung panahon na Yolanda tayo at hindi sila umaalma na dapat hindi tumutulong or nakikialam ang mga amerikano sa problema ng Pilipinas. Nakita mo ba silang nagproprotesta na itigil ang pagtulong ng mga amerikano ? Mga amerikanong militar din naman ang tumulong sa atin ng panahon ng Yolanda at mga amerikanong militar din naman ang nagbigay ng impormasyon tungkol kay marwan pero bakit iba ang reaksyon nila sa dalawang sitwasyon.? Dahil ba mas maypakinabang tayo nung panahon ng Yolanda at puro disgrasya ang inabot ng SAF 44 kaya magkaiba ang reaksyon?

Ang pinakanakakapagtaka sa lahat inaakusahan nila ang mga amerikano ng mapanakop at mapanglamang at kaliwa’t kanan ang rally na ginagawa nila sa Embassy ng Amerikano sa Pilipinas pero ang China na kung saan nagtayo pa ng isla sa Spratly island ay hindi man sila gumawa ng hakbang upang magprotesta. Nakita nyo ba silang nagsunog man lang ng bandilang China bilang protesta sa pagsakop nito sa karagatan ng PIlipnas.

Ang weird noh…?

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.